Sunday, December 04, 2011

Tula-Tulaan ni Master (Ikalawang Hain)



Lahat ng ala-ala, taglay ang pambihirang ligaya
Ninamnam ang bawat luhang namutawi sa mata
Isang dakot ng pagmamahal ang ginugol, para sayo't sa kanya
Binigyan ng kabuluhan ang buhay ng bawat isa


Dahil sa limot na sandali, minsa'y nawalan ng pag-asa
Pilit mang hawiin ang ulap, Ulan ay sadyang makikita
Binago na ng panahon ang saya na tinatamasa
Pati ang hangin ay nakiki-ayon sa ating pagdurusa


Maaaring timpla ng ating buhay ngayon ay mapakla
Ngunit nakatitiyak na tadhana ang babago ng panlasa
Bitbit sa kamalayan ang tuwa na ika'y nakasama
Hudyat ang magandang huni ng ibon na tayo'y liligaya



--master--