Saturday, January 28, 2012

Tula Mula sa Aking Kaibigan

Lawin
by: Ryan Romeo de Vera


Sa pag lipad ko sisiguraduhin ko mapupuwing ka,
Sa tayog at taas ko sa ere
sisiguraduhin ko hindi mo ako maabot at makikita
dadagitin ko lahat ng pangarap ko at hindi kita isasama
Para ka'ng ahas na aking aatakihin
dahil ako ay mag-mimistulang lawin


Sa aking pangalmot, buhay mo ay aking papawiin
Unti-unti kitang titirisin hanggang hindi mo na kayang tiisin
ang sakit na minsan ko ng hindi pinansin
ang sakit na dinulot mo sa akin.


Ang mga Malulupit na Linyahan ni Glofel


  • Ang Tunay na Love ay parang multo kung minsan, may mga nakakakita pero hindi naniniwala, may naniniwala pero ilan lang nakakakita, may mga naghahanap para maniwala at may mga nagpaparamdam pero ayaw maniwala kasi takot makakita.
  • Akala ko masasanay na ako ng automatic, buti nalang naalala kong mag manual. 
  • Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong alam mong hindi talaga para sayo. parang kang nagsaksak ng 110 sa 220. 
  • Wag gagawa ng isang bagay ng hindi mo kayang panindigan ika nga sa larong chess TOUCH MOVE!
  • Minsan sa buhay natin may makikilala tayong tao na ang pakiramadam natin nabuhay lang tayo para sa kanya, pero minsan sa hindi inaasahang pagkakataon nabuhay siya para sa iba.
  • Kung 99% ang hindi na naniniwala sayo. tandaan mo na merong 1% galing sa langit ang nagsasabing kaya mo.
  • Q:alam mo ba kung bakit meron tayong history subject?  A: para di na natin ulitin ang maling nangyari nang nakaraan
  • Sa buhay pag-ibig minsan lahat tayo ay may karapatang maging tanga, ang problema lang inaabuso at yung iba kinakarir pa.
  • Mahirap ang may masaktan, pero sa mga bagay na magulo sa sarili mo, may masasaktang at masasaktan at masasaktan, pumili ka nga lang ng sasaktan mo, at ang pinili mo ay ang taong mahal mo.

Friday, January 20, 2012

Tula-Tulaan ni Master (Ikatlong Hain)



Pambihira ang saya na natamasa sa araw na tayo'y nagsama-sama
Magkaka-iba man ang paniniwala at mga gawi na ibinibida
Iisa lang ang naging isip sa pagpupunla para sa magandang pakikisama
Minsa'y nagka-iba man ng ideya, subalit sa huli tiyak ang pakiki-isa


Ngayo'y sapat na ang kaalaman sa buhay at pakikibaka
Nandito parin tayo, ni hindi sumagi sa isip na isa't isa ay limot na
Hindi man madalas na nagkikita-kita, sapat na ang iniwang ala-ala
Nagkaroon man ng kanya kanyang buhay, ulap ang naging mata


Hanggang ngayo'y nahuhumaling sa buwan, hudyat na tayo'y ka-isa
Sa makabagong panahon, hindi naging hamon ang pangungulila
Sapagkat may modernong paraan ng pakikipag-usap na wari'y tala
Kasiyahan ay lubos, pagkat puso nati'y karugtong sa masayang ala-ala




-master

Sunday, January 08, 2012

Ang mga Malulupit na Payo ni Papa Jack



  • Ang karelasyon ay 'di dapat ginagawang pangdekorasyon, siya ay dapat mahalin ng walang kondisyon, nirirespeto sa lahat ng pagkakataon at ‘di iniipon na parang koleksyon!
  • May mga bagay na mali sa umpisa, kung masaya ka ituloy muna baka kasi maging tama ka pa. 
  • Matuto kang maghintay at makuntento sa kung anong binigay sayo. baka kakamadali mo magkamali ka pa ng pagpili.
  • Pag may mahal ka at napagod ka. Walang problema. Magpahinga ka. Wag yung hiwalay agad.
  • Ang panliligaw natatapos yan kapag sinagot ka na. pero ang panunuyo walang katapusan yan.
  • Wag kang umiyak dahil lang iniwan ka, ngumiti ka dahil binigyan ka ng opportunity na makahanap ng isang taong hihigit pa sa kanya.
  • Hindi mo malalaman kung gaano ka kalakas kung palagi kang masaya.
  • Paano kayo magtatagal kung ikaw mismo nagda-doubt na magwowork yan. 
  • Mas highlighted kasi sa isang relasyon ang isang pagkakamali keysa sa tagal na ng pagsasama niyo. 
  • Pagnadapa ka bumangon ka. di yung nadapa ka na hihiga ka pa. 
  • Minsan talaga ang mga babae nagpapakainosente kahit alam na nilalandi sila ng lalaki.
  • Kung nagaaway kayo at naging defensive ka, sigurado away yan.
  • Kung may karelasyon kayo dapat nagaaway kayo it’s a form of communication. 
  • Ang dating kasi. Kalimutan muna para magbati? Dapat magbati muna para makalimutan.
  • Kapag sinabi nya sayo na di ka na nya mahal, he doesn’t need to explain why, same thing kung bakit ka nya mahal. It’s magical.
  • Ang tao di ganon kaTalino para di malaman ang tama. at di ganon kaTanga para di malaman ang sagot.
  • Kung hindi mo pa alam kung sino siya, dont worry time will come makikilala mo rin siya.