Thursday, August 18, 2011

Tagalog Kowts (Mula sa aking mga Kaibigan)

Eto ang mga kowts na nagmula sa aking mga mabubuting kaibigan...pwedeng magcomment...



"Sa buhay pag-ibig minsan lahat tayo ay may karapatang maging tanga, ang problema lang inaabuso at yung iba kinakarir pa" 
-Anne Perez

"Di baleng umasa ka sa kasalukuyang walang kasiguraduhan, kesa itali mo ang sarili mo sa nakaraang imposible mo ng balikan" 
-Paloma Madali

"Madalas may mga bagay na sadyang hindi mo na kayang kontrolin, kung talagang mangyayari.. mangyayari, kahit na ayaw mo wala kang magagawa." 
-Ella Arnau


"Hindi kailangang tumawa upang ipakitang masaya ka at hindi kailangang lumuha para malamang malungkot ka, dahil hindi lahat ng tumatawa ay masaya at hindi lahat ng umiiyak ay may problema.Isa lang ang mahalaga, marunong kang magdala"
-John Eric Dioquino


"Kung talagang mahal mo isang tao, hindi mo hahayaang mapunta sya sa iba, pero naisip mo na ba? kung talagang mahal ka din nya, sya mismo ang magkukusang makasama ka" 
-Ella Arnau


"Bakit square ang box ng pizza? samantalang bilog ang laman nito.. dahil may magkaiba na sadyang para sa isa't isa" 
-Chelle Adriano


"Dalawang bagay lang naman ang gusto kong mangyare: 
una, Mahalin mo ko! pangalawa: Ulit-ulitin mo lang yung una" 
-Luzille Ann Zeta


"Wala man ako sa tabi mo, malayo man ako sau, lagi ka naman nasa puso ko" 
-Andrew Aurelio


"Mahirap ang may masaktan, pero sa mga bagay na magulo sa sarili mo, may masasaktan at masasaktan, pumili ka nga lang nang sasaktan mo, at ang pinili mo ay taong minahal mo" 
-Anne Perez


"Mas mabuti ng tapatin ka sa masakit na katotohanan, 
kesa paniwalain ka sa malambing na kasinungalingan" 
-Paloma Madali

"Hindi lahat ng buhay ay may buhay, tingnan mo ako, buhay pero patay na patay sayo"
-Geri Raquel

Tuesday, August 09, 2011

Tula-tulaan ni Master (Unang Hain)



Sa pagbigkas ng bawat salita, napatunayang tayoy malaya
Di biro ang dinanas nitong pusong salat sa pag-unawa
Bawat sandali ay sadyang puno ng pagpapala
Kaiga-igaya ang panahong tayo'y masaya


Bitin man ang sandaling tayo ang bida
Ang mahalaga'y napawi ang lungkot sa ating mga mata
Tinitingala ang bawat kinang ng tagumpay ng isat-isa..
Binibigyang halaga ang isip at diwa


Bulong ng hangin ay sadyang nkakabingi sa tenga
Wari'y isang baryang kumalampag sa palangana
Di man natin isigaw, tayo'y naririnig tulad ng kampana
At sa ating pakikibaka, tayo ang gagawa ng ating tadhana.




--MASTER--














Saturday, April 23, 2011

My Top Picks: Best Romantic Movie Soundtracks


OST: Four Weddings and a Funeral
Starring: Hugh Grant and Andie Mcdowell 

OST: The Wedding Singer
Starring: Adam Sandler and Drew Barrymore

OST: Music and Lyrics
Starring: Hugh Grant and Drew Barrymore

OST: Ghost
Starring: Patrick Swayze and Demi Moore

OST: Moulin Rouge
Starring: Ewan Mcgregor and Nicole Kidman

OST: Mannequin
Starring: Andrew McCarthy and Kim Cattrall

OST: City of Angels
Starring: Nicolas Cage and Meg Ryan

OST: Titanic
Starring: Leonardo DiCaprio and Kate Winslet

OST: Serendipity
Starring: John Cusack and Kate Beckinsale

OST: My Best Friend's Wedding
Starring: Julia Roberts, Cameron Diaz and Dermot Mulroney 


Thursday, March 24, 2011

Isang Makabagdamdaming Music Video

Mahirap nga sigurong isipin na may taong kayang magsakripisyo ng isang bagay na mahalga sa kanya. Sa kabilang banda mas nagiging masaya at kumpleto tayo pag ang pagsasakripisyong iyon ay para sa mahal natin sa buhay.



Monday, March 21, 2011

14 Unique Date Ideas

  1. Hot Air Balloon Ride
  2. Visit an Exotic Island (somewhere in Bohol, Palawan or Caramoan)
  3. Scuba diving
  4. Kayaking 
  5. River Rafting
  6. Parasailing
  7. Skydiving
  8. Whale Watching
  9. Zip-line
  10. Couples Yoga
  11. Paintball
  12. Sand boarding Adventure (Paoay Sand Dunes)
  13. Island hopping
  14. Scenic Drive (Pagudpud)

Mga Sampung Nakakatuwang Kalokohan na Magagawa mo sa Kaibigan mo!

1. Ang iharang siya pag kakagatin ka ng aso. 

2. Ang pahiran siya ng dinurog na siling pula sa leeg ng walang kalaban-laban.

3. Ang sulatan siya sa mukha ng pentel pen o kaya ng uling habang natutulog, ang masaya pa dun pag ka gising nya proud na proud syang nkikipagusap sa mga tao.

4. Ang i-alog ang ulo nya ng kaliwat kanan pag nalasing sya, na magiging dahilan naman ng pagka hulog nya sa kanal.

5. Ang itulak sya ng itulak kapag sobrang lasing sya habang naglalakad, hangang sa masuka sya.

6. Ang gulatin sya ng sobra sa madilim na lugar, yung tipong mapapasuntok sya sa ere sa sobrang gulat.

7. Ang hindi sya patulugin dahil sa sobrang lakas ng pag hilik mo.

8. Ang painumin sya ng isang basong punong puno ng matador brandy ng walang hinto o bawal kumurap man lang.

9. Ang sabihing hindi tuloy ang lakad kahit pa handang handa na sya at bihis na bihis pa.

10. Ang pahiran ng siling pula ang bibig ng baso na iinuman nya.

    Friday, March 18, 2011

    Bob Ong Quotes

    • “Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
    • “Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
    • “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
    • “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
    • “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
    • “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
    • “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
    • “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”
    • “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
    • “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
    • “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
    • “Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
    • “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”