Eto ang mga quotes na mula sa isip ko lamang... maari kaung magdagdag ng sarili nyong quotes pag kayo ay nagcomment.. =)
- Huwag kang dumistansya sa mga bagay na alam mong ikaw ang problema at ikaw din ang solusyon.
- Subukang mong isiping double dutch ice cream ang kausap mo para maging delightful ang paguusap nyo.
- Ipakita mong iisa tau para di magmukhang nag-iisa ako.
- Umasa ka man ng umasa, darating ang araw magkakaroon ka rin ng pag-asa.
- Madaling sabihin na mahal mo ang isang tao, pero mahirap na itong ipakita kapag ikaw mismo ang nagbago.
- Sa pagkakalulong ko sa sinigang, nakalimutan ko may sisig pa pala.
- Hindi man nila gustuhin sa huli tayoy magkakasama rin.
- Lumipas na ang maraming araw, buwan at taon tayo pa rin ang tinadhana ng panahon.
- Hindi namn madalas nadadaan sa usapan, minsan pag naiisip nio na ang inyong pinagsamahan, bigla n lng nawawala na parang bula ang inyong iringan.
- Kung di nya maibigay ang kakarampot na atensyon, abay wag ka ng mag invest ng emosyon.
- Magiging magaan ang lahat, kung ang iyong paninimbang ay sapat at tapat.
No comments:
Post a Comment