Thursday, August 18, 2011

Tagalog Kowts (Mula sa aking mga Kaibigan)

Eto ang mga kowts na nagmula sa aking mga mabubuting kaibigan...pwedeng magcomment...



"Sa buhay pag-ibig minsan lahat tayo ay may karapatang maging tanga, ang problema lang inaabuso at yung iba kinakarir pa" 
-Anne Perez

"Di baleng umasa ka sa kasalukuyang walang kasiguraduhan, kesa itali mo ang sarili mo sa nakaraang imposible mo ng balikan" 
-Paloma Madali

"Madalas may mga bagay na sadyang hindi mo na kayang kontrolin, kung talagang mangyayari.. mangyayari, kahit na ayaw mo wala kang magagawa." 
-Ella Arnau


"Hindi kailangang tumawa upang ipakitang masaya ka at hindi kailangang lumuha para malamang malungkot ka, dahil hindi lahat ng tumatawa ay masaya at hindi lahat ng umiiyak ay may problema.Isa lang ang mahalaga, marunong kang magdala"
-John Eric Dioquino


"Kung talagang mahal mo isang tao, hindi mo hahayaang mapunta sya sa iba, pero naisip mo na ba? kung talagang mahal ka din nya, sya mismo ang magkukusang makasama ka" 
-Ella Arnau


"Bakit square ang box ng pizza? samantalang bilog ang laman nito.. dahil may magkaiba na sadyang para sa isa't isa" 
-Chelle Adriano


"Dalawang bagay lang naman ang gusto kong mangyare: 
una, Mahalin mo ko! pangalawa: Ulit-ulitin mo lang yung una" 
-Luzille Ann Zeta


"Wala man ako sa tabi mo, malayo man ako sau, lagi ka naman nasa puso ko" 
-Andrew Aurelio


"Mahirap ang may masaktan, pero sa mga bagay na magulo sa sarili mo, may masasaktan at masasaktan, pumili ka nga lang nang sasaktan mo, at ang pinili mo ay taong minahal mo" 
-Anne Perez


"Mas mabuti ng tapatin ka sa masakit na katotohanan, 
kesa paniwalain ka sa malambing na kasinungalingan" 
-Paloma Madali

"Hindi lahat ng buhay ay may buhay, tingnan mo ako, buhay pero patay na patay sayo"
-Geri Raquel

3 comments:

  1. magagaling ang ang nagbigay ng kowts...

    ReplyDelete
  2. nice kowts :] <3 ayLABET :)

    ReplyDelete
  3. failure is the way to success

    ReplyDelete