Sunday, December 04, 2011

Tula-Tulaan ni Master (Ikalawang Hain)



Lahat ng ala-ala, taglay ang pambihirang ligaya
Ninamnam ang bawat luhang namutawi sa mata
Isang dakot ng pagmamahal ang ginugol, para sayo't sa kanya
Binigyan ng kabuluhan ang buhay ng bawat isa


Dahil sa limot na sandali, minsa'y nawalan ng pag-asa
Pilit mang hawiin ang ulap, Ulan ay sadyang makikita
Binago na ng panahon ang saya na tinatamasa
Pati ang hangin ay nakiki-ayon sa ating pagdurusa


Maaaring timpla ng ating buhay ngayon ay mapakla
Ngunit nakatitiyak na tadhana ang babago ng panlasa
Bitbit sa kamalayan ang tuwa na ika'y nakasama
Hudyat ang magandang huni ng ibon na tayo'y liligaya



--master--

Wednesday, November 23, 2011

Ang mga Malulupit na Banat ni Kimpoy Feliciano tungkol sa Babae

Ang BABAE parang…

  • PULIS.. Kahit hawak na niya ang lahat ng ebidensya sa mundo, gusto pa rin niya marinig na aminin mo ang totoo. 
  • BARBIE.. Pwede mo hubaran, damitan at paglaruan. Pero tandaan mo bro na ang tunay na lalaki hindi naglalaro ng Barbie. 
  • ALGEBRAIC EXPRESSION.. Mas maganda kapag nasa simplest form. 
  • KALAPATI.. Kapag inalagaan mo ng mabuti, pakawalan mo man.. babalik at babalik pa din sa iyo. 
  • SAPATOS.. Kahit na yung maganda yung gusto namin. Mas pipiliin pa rin namin yung kung san kami kumportable.
  • BULAKLAK.. sobrang ganda kaya wag mo na pitasin kung sisirain mo lang. 
  • ABSTRACT PAINTING.. kahit minsan hindi mo maintindihan, maganda parin tignan. 
  • KULANGOT.. Minsan pa-hard-to-get, minsan kung saan saan nakadikit pero minsan bigla bigla nalang nahuhulog. 

Friday, October 28, 2011

My Sassy Girl 10 Rules to Follow (Tagalog Version)

1. Huwag mong hingin sa kanya na maging mahinhin.

2. Huwag mo siya painumin ng madami, 3 baso okay na, baka may upakan siya eh.


3.
Kapag nasa coffee shop, wag ka oorder ng iced tea o juice, mag coffee ka.


4. Kapag sinapak ka niya, umarte ka ng parang nasaktan. pag nasaktan ka, umarte ka ng parang hindi.


5.
Sa 100 day na anniversary niyo, dalhan mo siya ng isang rose habang nasa klase siya, magugustuhan niya un. 


6.
Siguraduhin mo na marunong kang mag kendo at mag slash.


7. Dapat handa ka ding makulong paminsan minsan.


8.
Kapag sinabi niya na patay ka sa akin, wag mong babaliwalain un, mabuti un para sa iyo.


9. Kapag masakit na paa nya, makipagpalit ka ng sapatos sa kanya.


10. Writer siya, mahilig siyang magsulat, sana suportahan mo siya.


Thursday, August 18, 2011

Tagalog Kowts (Mula sa aking mga Kaibigan)

Eto ang mga kowts na nagmula sa aking mga mabubuting kaibigan...pwedeng magcomment...



"Sa buhay pag-ibig minsan lahat tayo ay may karapatang maging tanga, ang problema lang inaabuso at yung iba kinakarir pa" 
-Anne Perez

"Di baleng umasa ka sa kasalukuyang walang kasiguraduhan, kesa itali mo ang sarili mo sa nakaraang imposible mo ng balikan" 
-Paloma Madali

"Madalas may mga bagay na sadyang hindi mo na kayang kontrolin, kung talagang mangyayari.. mangyayari, kahit na ayaw mo wala kang magagawa." 
-Ella Arnau


"Hindi kailangang tumawa upang ipakitang masaya ka at hindi kailangang lumuha para malamang malungkot ka, dahil hindi lahat ng tumatawa ay masaya at hindi lahat ng umiiyak ay may problema.Isa lang ang mahalaga, marunong kang magdala"
-John Eric Dioquino


"Kung talagang mahal mo isang tao, hindi mo hahayaang mapunta sya sa iba, pero naisip mo na ba? kung talagang mahal ka din nya, sya mismo ang magkukusang makasama ka" 
-Ella Arnau


"Bakit square ang box ng pizza? samantalang bilog ang laman nito.. dahil may magkaiba na sadyang para sa isa't isa" 
-Chelle Adriano


"Dalawang bagay lang naman ang gusto kong mangyare: 
una, Mahalin mo ko! pangalawa: Ulit-ulitin mo lang yung una" 
-Luzille Ann Zeta


"Wala man ako sa tabi mo, malayo man ako sau, lagi ka naman nasa puso ko" 
-Andrew Aurelio


"Mahirap ang may masaktan, pero sa mga bagay na magulo sa sarili mo, may masasaktan at masasaktan, pumili ka nga lang nang sasaktan mo, at ang pinili mo ay taong minahal mo" 
-Anne Perez


"Mas mabuti ng tapatin ka sa masakit na katotohanan, 
kesa paniwalain ka sa malambing na kasinungalingan" 
-Paloma Madali

"Hindi lahat ng buhay ay may buhay, tingnan mo ako, buhay pero patay na patay sayo"
-Geri Raquel

Tuesday, August 09, 2011

Tula-tulaan ni Master (Unang Hain)



Sa pagbigkas ng bawat salita, napatunayang tayoy malaya
Di biro ang dinanas nitong pusong salat sa pag-unawa
Bawat sandali ay sadyang puno ng pagpapala
Kaiga-igaya ang panahong tayo'y masaya


Bitin man ang sandaling tayo ang bida
Ang mahalaga'y napawi ang lungkot sa ating mga mata
Tinitingala ang bawat kinang ng tagumpay ng isat-isa..
Binibigyang halaga ang isip at diwa


Bulong ng hangin ay sadyang nkakabingi sa tenga
Wari'y isang baryang kumalampag sa palangana
Di man natin isigaw, tayo'y naririnig tulad ng kampana
At sa ating pakikibaka, tayo ang gagawa ng ating tadhana.




--MASTER--














Saturday, April 23, 2011

My Top Picks: Best Romantic Movie Soundtracks


OST: Four Weddings and a Funeral
Starring: Hugh Grant and Andie Mcdowell 

OST: The Wedding Singer
Starring: Adam Sandler and Drew Barrymore

OST: Music and Lyrics
Starring: Hugh Grant and Drew Barrymore

OST: Ghost
Starring: Patrick Swayze and Demi Moore

OST: Moulin Rouge
Starring: Ewan Mcgregor and Nicole Kidman

OST: Mannequin
Starring: Andrew McCarthy and Kim Cattrall

OST: City of Angels
Starring: Nicolas Cage and Meg Ryan

OST: Titanic
Starring: Leonardo DiCaprio and Kate Winslet

OST: Serendipity
Starring: John Cusack and Kate Beckinsale

OST: My Best Friend's Wedding
Starring: Julia Roberts, Cameron Diaz and Dermot Mulroney