Monday, March 21, 2011

Mga Sampung Nakakatuwang Kalokohan na Magagawa mo sa Kaibigan mo!

1. Ang iharang siya pag kakagatin ka ng aso. 

2. Ang pahiran siya ng dinurog na siling pula sa leeg ng walang kalaban-laban.

3. Ang sulatan siya sa mukha ng pentel pen o kaya ng uling habang natutulog, ang masaya pa dun pag ka gising nya proud na proud syang nkikipagusap sa mga tao.

4. Ang i-alog ang ulo nya ng kaliwat kanan pag nalasing sya, na magiging dahilan naman ng pagka hulog nya sa kanal.

5. Ang itulak sya ng itulak kapag sobrang lasing sya habang naglalakad, hangang sa masuka sya.

6. Ang gulatin sya ng sobra sa madilim na lugar, yung tipong mapapasuntok sya sa ere sa sobrang gulat.

7. Ang hindi sya patulugin dahil sa sobrang lakas ng pag hilik mo.

8. Ang painumin sya ng isang basong punong puno ng matador brandy ng walang hinto o bawal kumurap man lang.

9. Ang sabihing hindi tuloy ang lakad kahit pa handang handa na sya at bihis na bihis pa.

10. Ang pahiran ng siling pula ang bibig ng baso na iinuman nya.

    4 comments:

    1. ayuz bonj! gawain mo ba yan hahaha joke!

      ReplyDelete
    2. kaibigan ba tawag dyan?? parang sinadista lang hehehe :D

      ReplyDelete
    3. hahahaha! yung number 5 gawain ko yan....

      ReplyDelete
    4. hahaha! nakakarelate ako sa number 9

      ReplyDelete