Friday, January 20, 2012

Tula-Tulaan ni Master (Ikatlong Hain)



Pambihira ang saya na natamasa sa araw na tayo'y nagsama-sama
Magkaka-iba man ang paniniwala at mga gawi na ibinibida
Iisa lang ang naging isip sa pagpupunla para sa magandang pakikisama
Minsa'y nagka-iba man ng ideya, subalit sa huli tiyak ang pakiki-isa


Ngayo'y sapat na ang kaalaman sa buhay at pakikibaka
Nandito parin tayo, ni hindi sumagi sa isip na isa't isa ay limot na
Hindi man madalas na nagkikita-kita, sapat na ang iniwang ala-ala
Nagkaroon man ng kanya kanyang buhay, ulap ang naging mata


Hanggang ngayo'y nahuhumaling sa buwan, hudyat na tayo'y ka-isa
Sa makabagong panahon, hindi naging hamon ang pangungulila
Sapagkat may modernong paraan ng pakikipag-usap na wari'y tala
Kasiyahan ay lubos, pagkat puso nati'y karugtong sa masayang ala-ala




-master

No comments:

Post a Comment