Saturday, January 28, 2012

Ang mga Malulupit na Linyahan ni Glofel


  • Ang Tunay na Love ay parang multo kung minsan, may mga nakakakita pero hindi naniniwala, may naniniwala pero ilan lang nakakakita, may mga naghahanap para maniwala at may mga nagpaparamdam pero ayaw maniwala kasi takot makakita.
  • Akala ko masasanay na ako ng automatic, buti nalang naalala kong mag manual. 
  • Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong alam mong hindi talaga para sayo. parang kang nagsaksak ng 110 sa 220. 
  • Wag gagawa ng isang bagay ng hindi mo kayang panindigan ika nga sa larong chess TOUCH MOVE!
  • Minsan sa buhay natin may makikilala tayong tao na ang pakiramadam natin nabuhay lang tayo para sa kanya, pero minsan sa hindi inaasahang pagkakataon nabuhay siya para sa iba.
  • Kung 99% ang hindi na naniniwala sayo. tandaan mo na merong 1% galing sa langit ang nagsasabing kaya mo.
  • Q:alam mo ba kung bakit meron tayong history subject?  A: para di na natin ulitin ang maling nangyari nang nakaraan
  • Sa buhay pag-ibig minsan lahat tayo ay may karapatang maging tanga, ang problema lang inaabuso at yung iba kinakarir pa.
  • Mahirap ang may masaktan, pero sa mga bagay na magulo sa sarili mo, may masasaktang at masasaktan at masasaktan, pumili ka nga lang ng sasaktan mo, at ang pinili mo ay ang taong mahal mo.

1 comment: