Sunday, January 08, 2012

Ang mga Malulupit na Payo ni Papa Jack



  • Ang karelasyon ay 'di dapat ginagawang pangdekorasyon, siya ay dapat mahalin ng walang kondisyon, nirirespeto sa lahat ng pagkakataon at ‘di iniipon na parang koleksyon!
  • May mga bagay na mali sa umpisa, kung masaya ka ituloy muna baka kasi maging tama ka pa. 
  • Matuto kang maghintay at makuntento sa kung anong binigay sayo. baka kakamadali mo magkamali ka pa ng pagpili.
  • Pag may mahal ka at napagod ka. Walang problema. Magpahinga ka. Wag yung hiwalay agad.
  • Ang panliligaw natatapos yan kapag sinagot ka na. pero ang panunuyo walang katapusan yan.
  • Wag kang umiyak dahil lang iniwan ka, ngumiti ka dahil binigyan ka ng opportunity na makahanap ng isang taong hihigit pa sa kanya.
  • Hindi mo malalaman kung gaano ka kalakas kung palagi kang masaya.
  • Paano kayo magtatagal kung ikaw mismo nagda-doubt na magwowork yan. 
  • Mas highlighted kasi sa isang relasyon ang isang pagkakamali keysa sa tagal na ng pagsasama niyo. 
  • Pagnadapa ka bumangon ka. di yung nadapa ka na hihiga ka pa. 
  • Minsan talaga ang mga babae nagpapakainosente kahit alam na nilalandi sila ng lalaki.
  • Kung nagaaway kayo at naging defensive ka, sigurado away yan.
  • Kung may karelasyon kayo dapat nagaaway kayo it’s a form of communication. 
  • Ang dating kasi. Kalimutan muna para magbati? Dapat magbati muna para makalimutan.
  • Kapag sinabi nya sayo na di ka na nya mahal, he doesn’t need to explain why, same thing kung bakit ka nya mahal. It’s magical.
  • Ang tao di ganon kaTalino para di malaman ang tama. at di ganon kaTanga para di malaman ang sagot.
  • Kung hindi mo pa alam kung sino siya, dont worry time will come makikilala mo rin siya. 


1 comment: